"Magkasamang nagsisikap ang Tsina at ASEAN, para marating ang Code of Conduct in South China Sea." Ito ang ipinahayag kahapon ni Tagapagsalitang Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa paninindigan ng Tsina sa pakikipagtalastasan sa ASEAN hinggil sa paglagda sa naturang kasunduan.
Sinabi ni Hua na walang sagabal sa pagpapalitan ng Tsina at ASEAN sa nasabing isyu. Aniya, positibo rin ang dalawang panig sa paglagda sa naturang kasunduan, batay sa komprehensibong pagpapatupad sa Declaraton on Conduct of Parties in South China Sea.