Sa isang talakayan tungkol sa reporma kamakalawa, binigyang-diin ni Li Keqiang, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa, na dapat malalim at komprehensibong ipatupad at isakatuparan ang diwa ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Dapat din aniyang matatag na palalimin ang reporma at pagbubukas sa labas, at patingkarin nang mainam ang malaking papel ng reporma sa pagpapasulong ng pag-unlad ng siyensiya, para mapaangat ang sustenable at malusog na pag-unlad ng kabuhayan.
Tinukoy pa niya, na sa proseso ng pagsasagawa ng reporma, dapat bigyan ng mas malaking pansin ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay. Ito aniya ay naglalayong makuha ng lahat ng mamamayan ang karapat-dapat na interes sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.
Salin: Li Feng