|
||||||||
|
||
Sa pulong, hiniling ng mga umuunlad na bansa sa mga maunlad na bansa, na tumpak na tupdin ang kanilang pangako sa mga may kinalamang pandaigdig na kombensyon at protokol, itakda ang malaki at konkretong bolyum sa kanilang target ng pagbabawas ng pagbuga ng greenhouse gas, at ipagkaloob sa mga umuunlad na bansa ang tulong na pondo at teknolohiya sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Sa ngalan ng kanyang sariling bansa, Indya, Brazil, at Timog Aprika, nagtalumpati sa pulong si Su Wei, Pangalawang Puno ng Delegasyong Tsino. Sinabi niyang, ang pagbabago ng klima ay mahalagang hamon sa sustenableng pag-unlad ng mga umuunlad na bansa, at dapat gumawa ng tumpak na aksyon ang komunidad ng daigdig batay sa prinsipyong "komon pero magkakaibang responsibilidad." Aniya pa, pinatutunayan na ng mga ulat ng iba't ibang ahensiya, na nagsagawa na ang Tsina ng mga mabisang hakbangin para sa pagbabawas ng emisyon.
Sa pulong naman, ipinahayag ng kinatawan ng Unyong Europeo, na magsisikap sila para matamo ng kasalukuyang pulong ang progreso, at maisakatuparan ang mga komong palagay ng nagdaang pulong sa Durban.
Bilang pinakamahirap na bansa, nanawagan naman ang Gambia sa iba't ibang panig, lalung-lalo na sa mga maunlad na bansa, na pakinggan ang tinig ng mga pinakamahirap na bansa. Umaasa rin itong huwag balewalain ng Estados Unidos ang kahalagahan ng pulong.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |