Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

AEC at CAFTA, suplemento sa isa't isa

(GMT+08:00) 2012-11-28 17:35:46       CRI

Sa ika-31 ng Disyembre ng 2015, nakatakdang itatag ng mga lider ng bansang ASEAN ang ASEAN Economic Community o AEC. Hinggil dito, ipinalalagay ng mga dalubhasa ng ASEAN at Tsina na ang pagtatatag ng AEC ay suplemento at magbibigay-daan sa integrasyon ng China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA.

Nitong nakalipas na ilang taon, dahil patuloy na tumataas ang cost of labor ng Tsina, inilipat ng mga bahay-kalakal ng kasuotan at sapatos ang kanilang pabrika sa mga bansang ASEAN, mula sa Tsina. Noong 2009, inilipat ng Nike ang pabrika nito sa Biyetnam. Binabalak naman ng Adidas na ilipat ang pabrika sa Myanmar. Ayon sa panig Thai, ililipat ng Volvo ang pabrika sa Thailand, para makatipid ng laang-gugulin. Itinatag din ng Electrolux sa Thailand ang unang pabrika ng refrigerator na base sa mga bansang ASEAN.

Ipinalalagay ni Gu Qingyang, Propesor ng National University of Singapore, na nagkakatulad ang bahagi ng estruktura ng industriya ng Tsina at mga bansang ASEAN, lalung-lalo na, sa larangan ng paggawa ng kasuotan, sapatos, kotse, at electronic component. Pagkaraang maitatag ang AEC, posibleng mas maraming bahay-kalakal na dayuhan ang lumipat sa mga bansang ASEAN mula sa Tsina.

Ngunit, aniya pa, puwede ring samantalahin ng Tsina ang pagkakataong ito, para ilipat ang mga low-end manufacturing sa mga bansang ASEAN, samantalang pinapaunlad ang paggagalugad ng High-Tech industry, upang mapataas ang lebel ng manufacturing.

Ipinalalagay naman ng mga dalubhasa, na sa kasalukuyan, mas maunlad ang mga bahay-kalakal ng Hapon at Timog Korea kaysa sa Tsina. Dapat samantalahin ngayon ng mga bahay-kalakal na Tsino ang pagkakataon, para mapabilis ang pag-unlad sa mga bansang ASEAN, upang mapatupad ang magkakasamang pag-unlad ng Tsina at ASEAN.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>