Ipinahayag ngayong araw ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpapatibay ng Pangkalahatang Asemblea ng UN sa aplikasyon ng Palestina upang maging bansang tagamasid ng UN ay isang positibong pag-unlad tungo sa pagtatayo ng Palestina ng sariling bansa. Aniya, ang pagtatayo ng bansa ay lehitimong karapatan ng mga mamamayang Palestino.
Kahapon, pinagtibay ng Pangkalahatang Asemblea ng UN ang pagiging bansang tagamasid ng Palestina. Tungkol dito, ipinahayag ni Hong na ipinakikita nitong ang usapin ng pagpapanumbalik ng mga Palestino sa kanilang lehitimong karapatan ay nagtamo ng malawak na pagkatig mula sa komunidad ng daigdig.
Salin: Andrea