|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, ipinahayag kahapon ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na 6 na buwan nang nananatili ang mga bapor ng panig Tsino sa "kontrobersyal" na karagatan ng Huangyan Islands, at hiniling niya sa Tsina na iurong ang naturang mga bapor.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na gagawa ang panig Pilipino ng mas maraming bagay na makakabuti sa paggarantiya sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at ititigil ang anumang pananalita at aksyon na posibleng makapagpasalimuot sa isyu ng South China Sea.
Idinagdag pa ni Hong na ang Huangyan Islands ay likas na teritoryo ng Tsina, at walang anumang hidwaan sa soberanya hinggil dito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |