|
||||||||
|
||
Sa Hanoi, Vietnam, nakipag-usap dito kahapon si Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Vietnam, kay Li Jian-guo, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, at Pangalawang Tagapangulo ng NPC ng Tsina.
Sa pag-uusap, ipina-abot ni Li kay Nguyen Phu Trong ang pagbati ng kanyang counterpart sa CPC na si Xi Jinping.
Sinabi ni Li na sa mula't mula pa, pinahahalagahan ng partido at pamahalaan ng Tsina ang pakikipagtulungan nito sa Vietnam. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Vietnam, para ibayo pang mapasulong ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan.
Ipina-abot naman ni Nguyen Phu Trong ang pagbati kay Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng CPC. Sinabi niya na positibo ang partido at pamahalaan ng Vietnam sa pakikipagkooperasyon sa Tsina. Nakahanda aniya itong mapahigpit ang pakikipagtulungan nito sa Tsina sa iba't ibang larangan, para pasulungin ang tradisyonal na mapagkaibigang relasyon ng dalawang panig. Nananalig aniya siyang tiyak na magtatamo ng mas malaking tagumpay ang konstruksyon ng sosiyalismong may katangiang Tsino, batay sa pagsasakatuparan ng mga target na binalangkas sa katatapos na Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |