|
||||||||
|
||
Idinaos kaninang umaga sa Bishkek, kabisera ng Kyrgyzstan ang Ika-11 Pulong ng mga PM ng Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at nagtalumpati rito si Premyer Wen Jiabao ng Tsina.
Sinabi ni Wen na nakahanda ang Tsina na palakasin ang kooperasyon sa iba't ibang panig para mapatupad ang pangako ng pagkakaloob ng 10 bilyong dolyares na utang para sa paggagalugad sa konstruksyon ng pondo ng kooperasyong pangkabuhayan at pangteknolohiya, at pagpapasulong sa pagtatatag ng Development Bank ng SCO. Nakahanda aniya pa ang Tsina na paunlarin ang serbisyo ng Mobile Telecommunications Satellite ng SCO, palakasin ang konstruksyon ng kakayahan ng pangangalaga sa kapaligiran, pahigpitin ang kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa ekstrimismo, seperatismo, terorismo, droga, at transnasyonal na krimen, itatag ang sentro ng pagbababala sa mga pananalasa at gawaing panaklolo, at aktibong isagawa ang kooperasyon hinggil sa pagkaing-butil.
Mataas na pagtasa ang ibinigay ng mga kasaping bansa ng SCO sa paninindigan at mungkahi ni Premyer Wen. Aktibong tinaya ng iba't ibang panig ang mahalagang papel ng Tsina sa pagpapasulong ng konstruksyon ng SCO at kooperasyon ng mga bansa sa rehiyon.
Nakatakdang idaos ang susunod na pulong ng SCO sa Uzbekistan.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |