Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Guizhou mula noong Sabado hanggang kahapon, binigyang-diin ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina na dapat malalimang pag-aralan at ipatupad ang diwa ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Dapat din aniyang tipunin ang katalinuhan at lakas sa pagsasakatuparan ng iba't ibang tungkuling itinakda sa naturang kongreso, at nagkakaisang magsikap para maisakatuparan ang dakilang target ng komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan.
Bukod dito, pinag-uukulan ng pangulong Tsino ng malaking pansin ang pagpapasulong ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal. Umaasa si Hu na matatag na maitataguyod ng lalawigang naturan ang ideya ng sibilisasyong ekolohikal, at magsisikap para makalikha ng magandang kapaligirang pampamumuhay para sa mga residente doon.
Salin: Li Feng