Sa ika-8 Lanting Forum kahapon, ipinahayag ni Zhang Zhijun, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na nababahala ang panig Tsino sa paglala ng kalagayan sa Syria. Aniya, iginagalang ng Tsina ang mithiin at pagpili ng mga mamamayan ng Syria. Dagdag pa niya, igagalang ng Tsina ang anumang kalutasang pulitikal, na unibersal na matatanggap ng iba't ibang kinauukulang panig ng nasabing bansa. Walang anumang pribadong interes ang Tsina sa isyu ng Syria, ani Zhang. Pinangangalagaan din aniya ng Tsina ang simulain ng "Karta ng UN" at pundamental na norma ng di-pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa.
Salin: Vera