Pumunta kamakailan si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, sa bayang Fuping ng probinsyang Hebei, para maglakbay-suri, kumustahin ang mga mahirap na mamamayan, at bigyang-tulong ang mga mahihirap doon.
Sa paglalakbay-suri, binigyang-diin ni Xi, na ang pagpawi sa karalitaan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pagsasakatuparan ng komong kayamanan, ay esensyal na kahilingan ng sosyalismo. Dapat aniyang pag-ukulan ng mas malaking pansin ng partido at pamahalaan ang mga mahirap na mamamayan, at dapat ding magsikap ang bansa para tulungan sila sa paglutas ng mga kahirapan.
Salin: Li Feng