Idinaos kahapon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pulong para pag-alaran ang mga gawain hinggil sa konstruksyon ng malinis na administrasyon at paglaban sa korupsyon sa taong 2013. Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Tinukoy sa pulong na sa bagong situwasyon, kritikal pa rin ang laban sa korupsyon. Dapat anitong manatiling alerto para buong tatag na matigil ang paglawak ng korupsyon, mapalalim ang reporma, mapabuti ang sistema, mapahigpit ang parusa, at masawata ang korupsyon.
Salin: Andrea