Sa isang seminar kamakailan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, na dapat buong tatag at di-magbabagong igiit at paunlarin ng Tsina ang sosyalismong may katangiang Tsino, batay sa teorya ni Deng Xiaoping, kaisipan ng "Three Represents," at Scientific Outlook on Development.
Binigyang-diin ni Xi, na ang sosyalismong may katangiang Tsino ay siyang tanging solusyon sa iba't ibang isyu ng Tsina. Dagdag pa niya, ito rin ay landas para maitatag ng Tsina ang may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas, mapabilis ang modernisasyong sosyalista, at maisakatuparan ang pag-ahon ng nasyong Tsino.