Bilang tugon sa pahayag ng isang Pilipinong opisyal na magtatag ng imprastruktura sa pinagtatalunang isla sa South China Sea na kontrolado ng Pilipinas, ipinahayag sa Beijing kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang paghimok sa panig Pilipino na totohanang tupdin ang "Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea," at itigil ang mga aksyon ng probokasyon na posibleng makapagpasalimuot at makapagpalawak sa isyung ito.
Ani Hong, bibigyan ng panig Tsino ng malaking pansin ang pag-unlad ng pangyayari. Tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng aksyong nakakapinsala sa soberanya ng teritoryo ng bansa, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng