Ayon sa ulat kahapon ng Kyoto News Agency, ipinasiya nang araw ding iyon ng pamahalaang Hapones na susugan ang umiiral na National Defense Program Outline at Medium-term Defense Force Development Plan.
Anang ulat, ipinasiya ng Hapon na ipa-freeze ang naturang dalawang plano, at idaos ang pulong ng gabinete sa malapit na hinaharap, para itakda ang pansamantalang plano sa pagsasaayos sa puwersang pandepensa. May balak din itong itakda ang bagong National Defense Program Outline at Medium-term Defense Force Development Plan sa loob ng taong ito.
Ayon sa pag-aanalisa ng Japanese media, hinahanap ng bagong rehimen ni Shinzo Abe ang pagpapalaki ng bilang, pasilidad at badyet ng self-defense force. Umaasa rin itong maipapakita ang naturang target sa plano ng badyet sa 2013 fiscal year, kaya gumawa ito ng kapasiyahan na i-freeze ang nabanggit na dalawang plano.
Salin: Vera