Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Li Keqiang, Pangalawang Premyer ng Tsina, kay Pierre Moscovici, Ministro ng Kabuhayan ng Pransya.
Inilahad ni Li kay Moscovici ang kalakayan ng proseso ng pagsasalunsod ng Tsina. Umaasa aniya siyang hihigpit pa ang kooperasyon ng Tsina sa Pransya sa mga may kinalamang larangan.
Ipinahayag naman ni Moscovici na nakahanda ang Pransya na pataasin ang lebel ng kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa.
Bukod dito, sinabi ni Li na dapat magtulungan ang mga maunlad na bansa at bagong sibol na ekomonomiya para harapin ang pandaigdigang krisis na pinansyal.