Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahigit 100 katao, patay sa kaguluhan sa Mali

(GMT+08:00) 2013-01-13 16:05:32       CRI

Ayon sa impormasyon na ipinalabas ng panig militar ng Mali kahapon, mahigit 100 armadong tauhan ang namatay sa air strike na inilunsad ng Pransya sa Konna, hilagang Mali. Kasabay nito, dumating din kahapon ng hapon sa Bamako, kabisera ng Mali, ang mga tropa ng Pransya at Nigeria.

Nitong nakalipas na ilang araw, maigting ang palitan ng putok sa pagitan ng tropang pampamahalaan at mga armadong tauhan sa Konna. Dahil dito, pangkagipitang nagpadala ng liham si Dioncounda Traore, Pangulong Transisyonal ng Mali, sa Pangkalahatang Kalihim ng UN at Pangulo ng Pransya, para humingi ng tulong.

Bilang tugon, nagpadala ng tropa kamakalawa ng hapon ang Pangulo ng Pransya sa Mali para magkaloob ng pagkatig sa tropang pampamahalaan ng bansa. Bukod dito, ipinatalastas din ng Senegal at Burkina Faso ang pagpapadala ng mga sundalo sa Mali.

Ipinahayag naman ng Economic Community of West African States na handang handa ito para magsagawa ng pakikialam na militar sa krisis sa kahilagaan ng Mali.

Salin: Vera

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>