|
||||||||
|
||
Sa White House—nakipagtagpo dito kamakalawa, local time, si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa kanyang Afghan counterpart na si Hamid Karzaï. Sinang-ayunan ng kapuwa panig na paagahin sa kasalukuyang tagsibol ang taning ng paglilipat ng tungkulin ng tropang Amerikano sa tropang panseguridad ng Afghanistan mula sa nakatakdang tag-init.
Sa pagtatagpo, tinalakay ng dalawang pangulo ang pagpapatingkad ng papel ng Amerika sa Afghansitan sa hinaharap. Tinukoy ni Obama na ang tungkulin ng tropang Amerikano sa Afghanistan sa hinaharap ay pagbibigay-tulong. Pero iniharap din niya ang isang kahilingang dapat igarantiya ng pamahalaan ng Afghansitan ang imyunidad ng tropang Ameirkano sa bansang ito.
Napag-alamang, kahit madalas batikusin ni Karzaï ang mga aksyon ng Amerika sa kanyang bansa, umaasa pa rin siyang mananatili sa kanyang bansa ang ilang sundalong Amerikano. Ayon sa komong palagay ng dalawang panig, pagkatapos ng taong 2014, ang magiging isa sa mga pangunahing tungkulin ng tropang Amerikano ay pagsasanay sa tropang panseguridad ng Afghanistan at paglaban sa terorismo.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |