|
||||||||
|
||
Nagpalabas ngayong araw ng heavy fog yellow warning signal ang Central Meteorological Office ng Tsina. Ayon sa pagtaya, wala pa sa 1000 metro ang abot ng paningin sa mga lugar na gaya ng Beijing, Tianjin, Hebei, Henan, at Jiangsu, dahil sa makapal na ulap. Ayon pa sa mga dalubhasa, ang polusyon sa lunsod ay magpapasidhi sa digri ng smoggy weather.
Mula kamakalawa, binalot ng makapal na ulap ang maraming lunsod ng Tsina; mababa ang bisibilidad, at napakalubha ng polusyon.
Ipinalabas kaninang umaga ng Istasyong Meteorolohikal ng Beijing ang kauna-unahang heavy fog orange warning signal sa kasaysayan. Pangkagipitan namang hiniling ng departamentong edukasyonal ng Beijing sa mga paaralan, na itigil ang mga aktibidad sa labas ng silid-aralan.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |