Binigyang-diin kahapon ni Liu Yunshan, Pirmihang Kagawad ng Politburo at Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na sa panahon ng Spring Festival, dapat isagawa ang masipag at matipid na estilo ng pamumuhay, at iwasan ang pag-aaksaya. Dapat din aniyang ipatupad ang mga kinauukulang tadhana ng Komisyong Sentral ng CPC, para magpalipas ng isang matipid, maligaya, at maharmonyang Spring Festival.
Winika ito ni Liu sa pulong hinggil sa kalagayan ng pag-aaral, pagpapalaganap at pagpapatupad ng diwa ng ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC.
Salin: Vera