|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Reed Tablemount ay bahagi ng Nansha Islands, at ang Tsina ay may di mapasusubaliang soberanya sa Nansha Islands at sa mga nakapaligid na rehiyong-pandagat.
Sinabi kamakalawa ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas na kamakailan, 2 beses na pinaalis ng Tsina ang mga bapor na Pilipino na pumasok sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island, kaya, aniya, ipinasiya ng kanyang bansa na iharap ang hidwaan sa South China Sea sa pandaigdig na arbitration. Hindi mapahihintulutan ng Pilipinas na kontrolin ng Tsina ang Huangyan Island.
Bilang tugon, sinabi ni Hong na malinaw ang atityud ng Tsina sa isyu ng Reed Tablemount. Aniya pa, palagiang nanawagan ang pamahalaang Tsino na lutasin ang hidwaan sa Nansha Islands sa paraan na bilateral na talastasan at pagsasanggunian. Ito rin, aniya, ay komong palagay ng iba't ibang panig.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |