![]( /mmsource/images/2013/01/30/e89ced85557a49219d57848bf86abbd2.jpg)
Bumisita kahapon si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, sa Armed Police Force ng bansa. Ipinahayag niyang dapat ikintal sa isip ng armadong pulisya ang kanilang tungkulin at responsibilidad, at walang humpay na palakasin ang kakayahan sa pagsasagawa ng iba't ibang misyon. Binigyang-diin din niya ang importansya ng modernisasyon ng Armed Police Force.
![]( /mmsource/images/2013/01/30/29ad72d50f4c4c0fb3290d11d9c92579.jpg)
Dagdag pa ni Xi, ang pangangalaga sa pambansang seguridad at katatagan ng lipunan ay mga nukleong tungkulin ng Armed Police Force, at para mahusay na maisagawa ang mga tungkuling ito, dapat aniyang maging mas malakas ang puwersa nito. Hiniling din niyang isagawa ang mahigpit na pangangasiwa, alinsunod sa batas, sa Armed Police Force.
Salin: Liu Kai