Sa kanyang paglalahok sa Pulong ng mga Ministro ng Pananalapi at mga Pangulo ng mga Bangko ng Sentral ng mga bansa ng G20 na idinaos kahapon sa Moscow, nanawagan si Xie Xuren, Ministrong Pinansiyal ng Tsina na dapat maayos na hawakan ng mga maunlad na bansa ang pagsasaayos sa patakarang pinansiyal para mabawasan ang negatibong epekto sa ibang bansa.
Sinabi ni Xie na sa taong 2013, patuloy na isasagawa ng pamahalaang Tsino ang aktibong patakarang pinansisyal at matatag na patakarang pansalapi, palalakasin ang pagsasaayos sa estrukturang pangkabuhayan, at isasakatupran ang sustenable at malusog na pag-unlad ng kabuhayan. Kasabay nito, binigyan-diin niyang para mapasulong ang recovery at paglaki ng kabuyang pndaigdig, dapat patuloy na pasulungin ng iba't ibang miyembro ng G20 ang paglaki ng kabuhayan at empleyo. Dapat isagawa ang aktuwal na patakarang macro-ekonomiko, pasulungin ang reporma ng estruktura at tututulan ang proteksyonismong pangkalakalan sa iba't ibang paraan.
Nang araw rin iyon, sa naturang pulong, hinimok ni Zhou Xiaochuan, Puno ng Bangkong Sentral ng Tsina, na dapat pabilisin ng mga kinauukulang bansa ang pagtutupad ng Kaso ng Reporma ng IMF, International Monetary Fund.
Salin:Sarah