|
||||||||
|
||
Pagkatapos ng pulong, ipinalabas ang isang Magkasanib na Komunike na nagsasabing sa kasalukuyan, bumababa ang panganib na kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig, at bumubuti ang kalagayan ng pamilihang pinansiyal. Pero, nananatili pa ring mabagal ang paglaki ng kabuhayan nito, at patuloy pa ring kinakaharap nito ang iba't ibang panganib at hamon. Para maharap ang hamon, dapat magtakda ang mga maunlad na bansa ng angkop na estratehiya, at bawasan ang negatibong epekto nito sa ibang bansa.
Bukod dito, binigyan-diin ng pulong na napakahalaga ang long-term na pamumuhunan para sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan at pagtaas ng empleyo.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |