Kinumpirma dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ibinalik na ng kanyang bansa ang patalastas ng Pilipinas hinggil sa pag-aaplay ng mediyasyong pandaigdig sa alitan ng dalawang bansa sa South China Sea.
Ani Hong, may lubos na batayang pangkasaysayan at pambatas ang Tsina sa soberanya sa Nansha Islands at rehiyong pandagat sa paligid nito. Batay sa pangkalahatang kalagayan ng pangangalaga sa bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas at kapayapaa't katatagan ng rehiyon, palagiang nagkokonsentra ang panig Tsino sa paglutas sa mga alitan sa pamamagitan ng bilateral na talastasan. Gumawa rin ito ng walang humpay na pagsisikap para sa pangangalaga sa katatagan ng South China Sea at pagpapasulong ng kooperasyong panrehiyon. Ang paglutas ng kinauukulang alitan sa pamamagitan ng direktang talastasan ng mga kinauukulang soberanong bansa ay komong palagay na narating ng mga bansang ASEAN at Tsina sa Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea. Ang kinauukulang kalatas at patalastas ng panig Pilipino ay hindi lamang salungat sa naturang komong palagay, kundi may malubhang kamalian din sa aspekto ng katotohanan at batas. Buong tatag na tinututulan aniya ng panig Tsino ang di-tunay na pagbatikos ng panig Pilipino sa panig Tsino.
Dagdag pa niya, umaasang mahigpit na susundin ng Pilipinas ang pangako, at babalik sa tumpak na landas ng paglutas ng alitan sa pamamagitan ng bilateral na talastasan.
Salin: Vera