Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mapayapang talastasan, tumpak na kalutasan sa alitan ng teritoryo at isyu ng karapata't kapakanang pandagat—paninidigan ng Tsina

(GMT+08:00) 2013-02-21 17:29:19       CRI

Nitong nakalipas na ilang taon, ang alitan sa karapata't kapakanang pandagat ng Tsina at mga kapitbansa ay naging pokus ng diplomasya ng Tsina. Binigyang-diin kahapon ni Ouyang Yujing, Pangalawang Puno ng Departamento ng Hanggahan at Mga Suliraning Pandagat ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mga isyung may kinalaman sa teritoryo, soberanya at karapata't kapakanang pandagat, matatag ang determinasyon at mithiin ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa pambansang kapakanan. Aniya, iginigiit ng Tsina ang ideya ng kapayapaan at win-win situation, isinusulong ang kooperasyon at diyalogo, at aktibong lumilikha ng kondisyon para sa pagresolba ng mga alitan.

Noong 2012, sanhi ng mga insidenteng gaya ng ilegal na "pagbili" ng Hapon ng Diaoyu Islands, at pagpigil ng bapor na pandigma ng Pilipinas sa mga bapor-pangisda at mangingisdang Tsino sa karagatan ng Huangyan Island sa pamamagitan ng dahas, muling naging maigting ang isyu ng Diaoyu Islands at isyu ng South China Sea. Noong ika-22 ng Enero, iniharap ng Pilipinas ang alitan nila ng Tsina sa South China Sea sa arbitrasyong pandaigdig. Kaugnay nito, tinukoy ni Ouyang na,

"Ang arbitrasyong iniharap ng panig Pilipino ay salungat sa kinauukulang komong palagay ng panig Tsino't Pilipino. Lumalabag din ito sa simulain at diwa ng "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea" na hangad ay mapayapang paglutas sa mga alitan sa teritoryo at karapatan sa pangangasiwa sa pamamagitan ng mapagkaibigang pag-sasanggunian at talastasan sa pagitan ng mga soberanong bansa na may direktang kaugnayan sa alitan. Ang aksyong ito ay hindi lamang malubhang nakasira sa atmospera ng pagsisimula ng pag-sasanggunian ng Tsina at mga bansang ASEAN hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea, kundi naglatag rin ng bagong hadlang sa proseso ng naturang pagsasanggunian."

Ani Ouyang, maraming beses na iniharap ng panig Tsino ang muling pagsisimula ng mekanismo ng pagtatatag ng pagtitiwalaan ng dalawang bansa sa panig Pilipino, pero hanggang ngayon, walang alinmang sagot ang panig Pilipino.

Dagdag pa niya, kaugnay ng paggagalugad ng yaman ng langis at natural gas sa South China Sea, nananalig ang Tsina na kung may katapatan ang iba't ibang panig, tiyak na hahanapin ang kaisipan at paraan ng magkasamang paggagalugad, sa gayo'y maisusulong ang kapayapaan, katatagan at komong kasaganaan sa rehiyong ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>