Ipinahayag sa Beijing kaninang umaga ni Wu Bangguo, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na nitong 5 taong nakalipas, kasiya-siyang natapos ng Ika-11 NPC ang iba't-ibang target nito.
Nang araw ding iyon, ipininid sa Beijing ang huling regular na pulong ng Ika-11 NPC. Pinanguluhan ni Wu ang pulong, at bumigkas siya ng talumpati. Sinabi niya, na sa iba't-ibang aspektong gaya ng pagtatatag at walang humpay na pagpapabuti ng sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino, administrasyon alinsunod sa batas, makatarungang hudisya, pagpapasiya ng mga mahahalagang pangyayari ng bansa, at paghalal at pag-aproba sa mga tauhan ng departamento ng bansa, kasiya-siyang natapos ng Ika-11 NPC ang tungkulin nito.
Salin: Li Feng