Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Geng Yansheng ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang malapit na pagsubaybay at pagmamanman ng panig Hapones sa normal na paglalayag at pagsasanay ng mga bapor at eroplanong Tsino sa kinauukulang karagatan nitong nakalipas na mahabang panahon ay saligang dahilan ng isyu ng kaligtasang pandagat ng dalawang bansa.
Ani Geng, palagiang pinahahalagahan ng Tsina ang isyu ng kaligtasang pandagat, at hindi inaasahan ang pagganap ng mga aksidente sa dagat. Pero, paulit-ulit na inilabas ng mga lider ng Hapon ang probokatibong pananalita, pinalaganap ang umano'y "banta ang Tsina", at sinasadyang pinaupat ang komprontasyong militar. Dapat itigil ng panig Hapones ang pagpapalabas ng mga maling pananalita, maayos na hawakan ang mga isyung gaya ng Diaoyu Islands, isagawa ang aktuwal na hakbangin, at likhain ang kondisyon para sa pagpapabuti ng bilateral na relasyon.
Salin: Vera