Ngayong umaga, sa Zhong Nanhai dito sa Beijing, nakipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Leung Chun-ying, Chief Executive ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong (HKSAR), at Chui Sai On, Chief Executive ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macau.
Binigyan-diin ni Xi na mahigpit na ang ugnayan ng HK, Macau at Mainland China. Ang pagsasakatuparan ng Chinese Dream ng pag-ahon ng Nasyong Tsino ay nangangailangan ng pagpuno sa kakulangan at magkakasamang pag-unlad ng HK, Macau at Mainland China. At ang mga mamamayan sa HK at Macau at Mainland China ay dapat magtulungan para sa magkakasamang pag-unlad.