|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo sa delegasyon ng Japan-China Economic Association o JCEA, ipinahayag kahapon sa Beijing ni Tang Jiaxuan, Puno ng China-Japan Friendship Association, na ang isyu ng Diaoyu Islands ay masusing elemento sa kasalukuyang mahirap na situwasyon ng relasyong Sino-Hapones. Aniya, para malutas ang isyung ito, dapat tumpak na harapin ng Hapon ang kasaysayan at katotohanan, at makipagdiyalogo't makipagsanggunian sa Tsina.
Sinabi ni Tang na ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay mahalagang bahagi ng relasyong Sino-Hapones. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ng JCEA ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng kabuhayan at kalakalan, at patuloy na makagaganap ng natatanging papel para mapabuti ang relasyong Sino-Hapones.
Ipinahayag naman ng panig Hapones na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Hapon at Tsina ay may mahalagang katuturan sa kasaganaan at katatagan ng Asya at daigdig. Anila, umaasa silang patuloy na mapapalawak at mapapalalim ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina sa kabuhayan, kalakalan, kultura, at iba pang larangan para mapasulong ang normalisasyon ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |