Sa pagtagpo kahapon sa Moscow nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Alexander Medvedev ng Rusya, nagpalitan sila ng palagay hinggil sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansiyal.
Kaugnay ng bilateral na relasyon, nagkakaisang ipinahayag nina Xi at Medvedev na dapat komprehensibong isakatuparan ang mga narating na kasunduan, pahigpitin ang kooperasyon sa enerhiya at industriya, at pasulungin ang kalakalan.
Kaugnay ng pagharap sa pandaigdigang krisis sa pinansya, ipinahayag ni Xi na dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon para rito. Umaasa naman si Medvedev na magkasamang pasusulungin ng dalawang bansa ang reporma sa pandaigdigang sistema ng pananalapi at pinansya.