Tungkol sa pananalita ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon na kumatig sa embargo ng armas ng Unyong Europeo sa Tsina, ipinahayag ngayong araw ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat maging tumpak ang pakikitungo ng Hapon, at gumawa ng mga hakbang na makakatulong sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan ng mga kapitbansa at kapayapaan ng rehiyon, hindi ang kabaligtaran nito.
Ayon sa ulat, sa kanyang pakikipag-usap kay Van Rompuy, Tagapangulo ng European Council, sinabi ni Abe na dahil sa paigting nang paigting ang kalagayan ng seguridad ng Silangang Asya, kailangan ang embargo ng armas ng sandata sa Tsina. Tugon naman ni Rompuy na hindi magbabago ang may kinalamang prinsipyo ng EU hingil sa usaping ito.
Ipinahayag din ni Hong na ang embargo ng armas ng sandata sa Tsina ay hindi angkop sa kasalukuyang kalagayan ng relasyong Sino-Europeo, at hindi rin angkop sa tunguhin ng kapayapan, kaunlaran at kooperayson ng daigdig.
salin:wle