Tungkol sa kasalukuyang situwasyon ng Korean Peninsula, ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at Hilagang Silangang Asya ay angkop sa komong interes ng iba't ibang panig at ito ay kanila ring komong responsibilidad, kaya, dapat aniyang magkakasamang magsikap ang iba't ibang panig. Aniya, nananawagan ang Tsina sa mga may kinalamang panig na magtimpi para mapasulong ang medyasyon para sa maigting na situwasyon ng Korean Peninsula.
Salin: Andrea