Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, kasama ng mga umuunlad na bansa---dalubhasa ng Nigeria

(GMT+08:00) 2013-04-01 11:11:29       CRI

Kahapon ng umaga, bumalik sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, pagkaraan ng pagdalaw sa Rusya, Tanzania, South Africa at Republic of Congo, at pagdalo sa ika-5 Summit ng mga bansang BRICS sa Durban.

Nang kapanayamin siya kamakailan ng mga mamamahayag ng CRI, sinabi ni Abdullahi Sallau Moddibo, dalubhasa ng Nigeria sa mga isyung pandaigdig, na may mahalagang katuturan ang biyahe ng Pangulong Tsino sa nasabing tatlong bansang Aprikano. At ipinakikita nito aniya na hindi nagbabago ang paninindigan ng Tsina na maging isa sa mga miyembro ng mga umuunlad na bansa.

Sinabi niya na noong nagdaang panahon, nagpopokus lamang ang mga bansang Aprikano sa relasyon sa mga bansang kanluranin, at humihingi sila ng tulong mula rito. Pero, hindi sila nakahulagpos sa kahirapan. Nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mahigpit at mabunga ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Aprika sa iba't ibang larangan, gaya ng pulitika, kabuhayan at kultura. Sinabi niya na bilang isang responsableng bansa, pinapansin ng Tsina ang pag-unlad ng mga bansang Aprikano. Inilahad aniya ni Pangulong Xi ang mga karanasang natamo ng Tsina hinggil sa pagpapasulong ng kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan, at ipinatalastas din niya ang mga aktibidad para tulungan ang mga bansang Aprikano. Aniya, bilang pirmihang kinatawan naman ng UN Security Council, walang humpay na tinutulungan ng Tsina ang mga bansang Aprikano sa mga suliraning pandaigdig, at isanasabalikat nito ang iba't ibang hamon, kasama ng mga bansang Aprikano. Nananalig siya aniya, natiyak na mapapalalim ang kooperasyon ng dalawang panig, at haharapin ng mga bansang Aprikano ang mas magandang hinaharap.

Kung magiging "matigas batayan" sa relasyong Sino-Aprikano ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, magiging naman "mahinang batayan" ang pagpapalitan ng kultura. Binigyang-diin ni Pangulong Xi na ito ay nagsisilbing pundasyon sa pagpapasulong ng estratehikong partnership ng Tsina at buong Aprika.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Moddibo na kasabay ng humihigpit na kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Aprika, positibo rin ang mga lider Tsino sa palitang kultural at di-pampamahalaan, kaya, dapat ibayo pang palakasin ang pagtutulungan ng Tsina at Aprika sa larangang ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>