Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Balikatan ng Pilipinas at Estados Unidos, sisimulan bukas

(GMT+08:00) 2013-04-04 18:42:47       CRI

BALIKATAN NG PILIPINAS AT ESTADOS UNIDOS, SISIMULAN BUKAS

MAY 8,000 KAWAL NA AMERICANO AT PILIPINO ANG LALAHOK SA BALIKATAN 2013.  Ayon kay Major Emmanuel Garcia, tagapagsalita ng AFP sa Balikatan, handa na ang lahat para sa taunang pagtitipon.  Magtatayo ng mga klinika, paaralan at mga foot bridges ang mga Americano samantalang nasa Lalawigan ng Zambales.  Bagaman, walang eksaktong bilang ang mga kawal na Americano ang nasa Pilipinas sa ilalim ng VFA. (Kuha ni Yoyo Wang/CCTV)

PORMAL na magsisimula bukas ang ika-29 na Philippines-United States Balikatan Exercise sa Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers Club. Dadalo sina Kalihim Albert F. del Rosario ng Ugnayang Panglabas at Kalihim Voltaire Gazmin ng Tanggulang Pambansa, US Ambassador to Manila Harry K. Thomas, AFP Chief of Staff General Emmanuel Bautista, AFP Command and General Staff College Commandant Major General Virgilio Domingo at US Deputy Executive Exercise Director Brig. General Richard Simlock.

Ayon kay Major Emmanuel Garcia, tagapagsalita ng panig ng Armed Forces of the Philippines sa Balikatan, nahahati ang taunang pagtitipon sa tatlong bahagi tulad ng humanitarian projects sa Zambales, humanitarian disaster response naman ang magkakaroon ng dalawang scenario, tulad ng bayo at banggaan ng mga barko sa karagatan. Hindi mawawala ang ikatlong bahagi, ang combat maneuvers. Magpapalitan ng pagkadalubhasa ang mga kawal Americano at mga Pilipino.

May 8,000 kawal ang mula sa magkabilang-panig ang lalahok sa pagsasanay. Isasagawa abg pagsasanay sa Zambales spagkat nangangailangan ang pook ng mga klinika at mga silid-paaralan.

Walang tiyak na bilang ang mga Americanong nasa Pilipinas sa ilalim ng Visiting Forces Agreement, dagdag pa ni Major Garcia.

UMAABOT SA 34 KATAO ANG NASASAWI ARAW-ARAW SA MGA SAKUNA SA PILIPINAS

34 NA PILIPINO ANG NASASAWI SA PILIPINAS BAWAT ARAW.  Nababahala si Engr. Bert Suansing, Secretary General ng Global Road Safety Partnership-Philipines sa nagaganap sa bansa sa nakalipas na ilang taon.  Kailangan umanong mamulat ang mga mamamayan sa kahalagahan ng pag-iingat.  (Kuha ni Melo Acuna/CRI)

UMAABOT sa 34 katao ang nasasawi sa buong Pilipinas sa bawat araw dahilan sa mga sakuna sa lansangan. Ito ang ibinalita ni Engr. Bert Suangsing, Secretary General ng Global Road Safety Partnership – Philippines sa pangrehiyong pagpupulong ng mga dalubhasa na magtatapos ngayon sa Maynila.

Sa isang panayam, halos pareho lamang ang situasyon ng Pilipinas sa ibang bansa sa Asia. Nakababahala ang bilang ng mga nasasawi, nasusugatan at ari-ariang napipinsala. Nagaganap ito dahilan sa kawalan ng kaalaman, kapabayaan at masakit mang aminin, ang simpleng katangahan. Ang katangahan ay maituturing na bahagi ng kanyang nakalakihan.

Ipinaliwanag niya na ang Global Road Safety Partnership ang itinatag upang makipagtulungan sa iba't ibang pamahalaan upang magtulungang mabawasan ang bilang ng mga nasasawi at nasusugatan sa mga lansangan.

Naniniwala rin si Engr. Suansing na kailangang maituro ang kahalagahan ng pag-iingat sa lansangan sa mga paaralan. Mas maagap na matutuhan ng mga kabataan ang pag-iingat, mas makaliligtas sila sa mga sakuna.

Mahalaga ring pasiglahin ang inspeksyon ng mga sasakyang nagyayaot sa Pilipinas upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at pedestrian. Ayon kay Engr. Suansing, dating Assistant Secretary ng Department of Transportation and Communications at naglingkod bilang hepe ng Land Transportation Office at Chairman ng Land Transport Franchising Regulatory Board, sa ibang bansa, madaling magpalit ng sasakyan sapagkat sa pagtanda ng sasakyan, tataas ang rehistro, tataas din ang insurance.

Sa Pilipinas, walang anumang regulasyon na nagbabawal sa mga sasakyan pagsapit ng sampu o higit pang taon.

Ang pinakamahalagang alalahanin ng mga motorista at pedestrian ay ang kahulugan ng katagang "paggalang" na itinuturo sa mga paaralan.

PANGULONG AQUINO, NAG-UTOS NA SA KAGAWARAN NG KATARUNGAN NA SIYASATIN ANG USAPIN NG PAGKAWAL NI JONAS BURGOS

INUTUSAN na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III si Kalihim Leila De Lima na atasan ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng angkop na pagsisiyasat sa usapin ni Jonas Burgos. Ito ay bilang pagsunod sa pangako ni Pangulong Aquino na kung magkakaroon ng panibagong ebidensya ay magkakaroon ng ibayong pagsisiyasat.

Ito ay kakaiba sa anumang kautusan ng Court of Appeals. Nakasalalay ang paggagawad ng katarungan sa pagkilala sa kawalang kasalanan ng sinuman kung hindi magkakaroon ng pagpapatunay. Nakatitiyak ding magkakaroon ng katarungan at papanagutin ang sinumang mapapatunayang nagkasala.

Obligasyon umano ng Pangulo ng Republika, ang pagiging Commander-In-Chief na igawad ang katarungan kaninoman.

MALACANANG, NANAWAGAN KAY ARSOBISPO CRUZ: HUWAG UMASA SA TSISMIS

HUWAG na huwag masasangkot sa pagkakalat ng tsismis. Ito ang panawagan ng Malacanang kay Arsobispo Oscar V. Cruz. Ito ang panawagan ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda kahapon matapos ibulgar ng retiradong arsobispo ang umano'y balak ng Partido Liberal na ikandidato si Kris Aquino, ang bundong kapatid ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino s pagka-bise presidente sa 2016.

Pinasaringan ni Atty. Lacierda ang arsobispo na mahahalintulad sa ilang matatanda na nagkakalat ng tsismis sa halip na maging statesmen. Nararapat daw igalang si Kris sa kanyang desisyong mamuhay ng tahimik matapos ang isang kontrobersya sa kanyang dating mister na si James Yap.

Ayon kay Atty. Lacierda, pabayaan na munang mamuhay ng tahimik ang bunsong kapatid ng pangulo at huwag nang magkalat ng tsismis.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>