Noong Martes, idinaos sa Beijing ang ika-19 na Pagsasanggunian ng mga Mataas na Opisyal ng Tsina at ASEAN. Kaugnay nito, sinabi sa Beijing kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na, malawakan at malalimang nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa relasyong Sino-ASEAN, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at narating nila ang malawakang komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Ani Hong, inulit ng mga mataas na opisyal ng Tsina at ASEAN na, ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea (SCS) ay may mahalagang katuturan para sa lahat ng bansa sa rehiyong ito. Ito anila ay nakakatulong sa pagpapasulong ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Salin: Li Feng