|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping, dadalaw sa Tsina si Pangulong Francois Hollande ng Pransya, mula ika-25 hanggang ika-26 ng Abril.
Sinabi ni Hua na sa pananatili sa Tsina, magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa relasyong Sino-Pranses, Sino-Europeo, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa mahalaga sa Tsina at Pransya.
Dadalaw din aniya ang Pangulong Pranses sa Shanghai.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |