Sa Summit na Pinansyal ng mga bansang BRICS na idinaos kahapon sa Washington, tinalakay ng mga kalahok na Minsitro ng Pananalapi at Gobernador ng Bangko Sentral ang kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan sa daigdig, mga paksa sa pulong ng G-20, at pagtutulungang pinansyal ng mga bansang BRICS.
Ipinalalagay ng pulong na sa harap ng iba't ibang di-matatag na elemento, mananatiling mababa ang global economic growth. Hinimok sa pulong ang mga maunlad na bansa na pabilisin ang reporma at isaayos ang pananalapi. Anito, dapat tupdin ng mga kasapi ng G-20 ang plano ng IMF hinggil sa reporma ng estruktura sa lalong madaling panahon.