Sa isang preskong idinaos pagkatapos ng pag-uusap kahapon nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Marty M. Natalegawa ng Indonesia, inilahad ng una ang paninindigan ng panig Tsino sa isyu ng South China Sea.
Binigyang-diin ni Wang na, ang soberanya ng Tsina sa Nansha Islands at karagatang nakapaligid dito, ay mayroong sapat na batayang historikal at pambatas. Malinaw, matatag at palagian aniya ang determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
Idinagdag pa niya na, ang Tsina ay matatag na puwersa sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng SCS. Patuloy aniyang magsisikap ang Tsina, at palalakasin ang pakikipagkoordinahan at pakikipagtulungan sa mga bansang ASEAN para makapagbigay ng ambag sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng