Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

E.U., inilagay ang Tsina sa "Priority Watch List for IPR Violation"

(GMT+08:00) 2013-05-03 17:10:54       CRI

Ayon sa ulat ng Office of the United States Trade Representative (USTR), kinumpirma ng Amerika ang pagsisikap at natamong pag-unlad ng Tsina sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), samantalang nitong nakalipas na 9 taong singkad, inilagay naman nito ang Tsina sa "Priority Watch List for IPR Violation." Kaugnay nito, ipinahayag ng may kinalamang tauhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang kalungkutan.

Anang naturang tauhan, pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa IPR. Aniya, nitong nakalipas na ilang taon, isinagawa ng pamahalaan ang serye ng hakbangin hinggil sa pagsasagawa ng batas ng IPR para ibayo pang mapabuti ang pangmatagalang sistema hinggil sa pangangalaga sa IPR. Pinahahalagahan din aniya ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa sikretong komersyal at isinusulong ang pananaliksik at paggagalugad sa teknolohiya ng mga bahay-kalakal para mapataas ang kanilang kakayahang kompetetibo.

Ayon pa sa naturang tauhan, ang pangangalaga sa IPR ay isang isyung pandaigdig at kinakailangan nito ang magkakasamang pagsisikap ng komunidad ng daigdig. Aniya, nakahanda ang Tsina, kasama ng E.U. at iba pang bansa at rehiyon, na palakasin ang pagtutulungan para mapasulong ang lebel ng pangangalaga sa IPR sa buong daigdig.

Salin: Andrea

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>