![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ipinahayag ng ilang iskolar ng T.Korea na ang nuclear-powered aircraft carrier USS Nimitz ay nabibilang sa Seventh Fleet ng E.U. at ang plotang ito ay regular na dumadalaw sa kaalyadong bansa nito sa Asiya, kaya normal lamang ang paglahok ng USS Nimitz sa magkasanib na pagsasanay na militar ng T.Korea at E.U.. Pero, ipinalalagay pa rin ng mga tagapag-analisa na dahil kamakailan, ipinahayag ng H.Korea na sasalakayin nito ang base ng hukbo ng E.U. sa Guam at Okinawa, ang naturang pagsasanay ay may kinalaman sa pakikitungo na ito ng H.Korea.
Magkakasunod na nagpalabas ang media ng H.Korea ng komentaryo para bilang pagbatikos sa naturang pagsasanay. Sinabi ng artikulo ng Korean Central News Agency, KCNA na ang layunin ng E.U. ay pigilin ang H.Korea sa mga larangang pulitikal, militar at pangkabuhayan at sa bandang huli, komprehensibong kontrolin ang Korean Peninsula. At sinabi ng komentaryo ng Rodong Simbun na mahigpit na sinusubaybayan ng H.Korea ang aksyon ng T.Korea at E.U., kung magsasagawa ang T.Korea at E.U. ng aksyong probokatibo sa H.Korea, malungkot ang ibubunga nito.
Pero, sinabi ng Yonhap News Agency ng T.Korea na matinding binabatikos ng H.Korea ang bawat magkasanib na pagsasanay na militar ng T.Korea at E.U. kaya hindi eksepsiyon ang pagsasanay na ito. Ipinalalagay ng ilang tagapag-analisa na binabatikos ng H.Korea ang magkasanib na pagsasanay para lalo pang mapatindi ang maigting na kalagayang militar.
Samantala, kahapon, sa lugar na malapit sa Busan Naval Base, idinaos ng ilang mamamayan ng T.Korea ang demonstrasyon bilang protesta sa pagsasanay na militar na ito.
Sa mula't mula pa'y, itinuring na ng H.Korea ang magkasanib na pagsasanay ng T.Korea at E.U. bilang probokasyon at paghahatid ng signal ng paglulunsad ng digmaan, kaya, dahil sa magkasanib na pagsasanay na militar, ang kalagayan ng Korean Peninsula ay muling nasadlak sa di-maliwanag na kalagayan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |