|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa insidente ng pamamaril ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mangingisdang Taiwanes ng Tsina noong ika-9 ng Mayo, ipinatalastas kahapon ng Taiwan na sinimulan na nito ang ika-2 round ng sangsyon laban sa Pilipinas.
Ang nasabing sangsyon ay kinabibilangan ng 8 hakbangin: ilagay sa "red alert" status ang turismo ng Pilipinas na nangangahulugang hindi paghimok sa mga Taiwanes na maglakbay sa Pilipinas; itigil ang pagpapalitan at pagdadalawan sa pagitan ng mga mataas na antas ng Taiwan at Pilipinas; itigil ang pagpapalitan at pagpapalaganap na pangkabuhayan, at mga aktibidad ng pag-aangkat ng pamumuhuan; itigil ang kooperasyon sa agrikultura at pangingisda; itigil ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pananaliksik sa siyensiya at teknolohiya; at iba pa.
Bilang isa sa 8 hakbangin, ipinadala na ng hukbong pandagat ng Taiwan ang mga bapor na pandigma sa rehiyong pandagat sa katimugan, para isagawa ang magkasanib na pagsasanay militar, kasama ang mga bapor ng coast guard patrol.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |