|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa insidente ng pamamaril ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mangingisdang Taiwanes ng Tsina noong ika-9 ng Mayo, muling ipinahayag kahapon sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mariing na pagkondena sa insidenteng ito. Aniya, ang pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga mangingisda ay komong responsibilidad ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.
Ani Hong, sa mula't mula pa'y nagsisikap ang Tsina para mapangalagaan ang kaligtasan at tumpak na karapatan at kapakanan ng mga kababayang Taiwanes. Dagdag pa niya, hinihiling ng Tsina sa Pilipinas na magsasagawa ng totohanang imbestigasyon at mabisang hakbangin, para maiwasan na muling mangyayari ang ganitong insidente.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |