Ayon sa Xinhua News Agency, pagkaraan ng mahigit 3 taong konstruksyon, sinimulan ngayong araw ang pagsubok-operasyon sa una at ikalawang linya ng subway ng lunsod Kunming, lalawigang Yunnan, Tsina. Ito ang kauna-unahang plateau subway na isinaoperasyon ng bansa.
Mahigit dalawampu't dalawang (22) kilometro ang buong haba ng naturang 2 linya. Sinimulang itayo ang subway na ito mula noong Abril ng 2010. Pagkaraang ng isang buwan pagsusuri, lumabas na normal ang pag-andar ng iba't-ibang sistema.
Salin: Li Feng