Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdalaw ng Premyer Tsino sa India, may kahanga-hangang katuturan

(GMT+08:00) 2013-05-20 17:10:06       CRI

Sinimulan kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang kanyang pagdalaw sa apat na bansang kinabibilangan ng India, Pakistan, Switzerland, at Alemanya. Ang India ang unang himpilan ng kasalukuyang biyahe ni Li, bagay na nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng bagong pamahalaan ng Tsina sa relasyong Sino-Indian.

Bilang dalawang malaking umuunlad na bansa, kapuwa nahaharap ang Tsina at India sa realistikong tungkulin ng pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Maliban sa kooperasyon, may kompetisyon din ang dalawang bansa, pero mas malaki kaysa kompetisyon ang kanilang kooperasyon, at kapansin-pansin ang benepisyong dulot nito.

Nitong nakalipas na ilang taon, natamo ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at India ang napakapositibong progreso. Noong unang dekada ng ika-21 siglo, lumaki nang halos 20 ulit ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng kapuwa panig. Noong 2012, umabot sa 66.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa. Dahil dito, ang Tsina ay ang naging ika-2 pinakamalaking trade partner ng India, at ang India naman ay naging pinakamalaking trade partner ng Tsina sa Timog Asya.

Bukod dito, walang humpay na pinapalakas ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig. Sa ilalim ng mga mekanismo ng UN, G20, at BRICS, nagkokoordinahan ang kapuwa panig, para magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig na gaya ng pandaigdig na krisis na pinansiyal, pagbabago ng klima, enerhiya, paglaban sa terorismo, seguridad ng pagkaing-butil, at pangangalaga sa komong interes ng mga umuunlad na bansa.

Kahit nangingibabaw ang problema sa isyung panghanggahan, sa mula't mula pa'y nananatiling kontrolado ang isyung ito, batay sa simulain ng mapagkaibigang pagsasanggunian. Nagkakaroon ang kapuwa panig ng komong palagay sa isyu ng pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan ng purok-hanggahan, at kapuwa ipinalalagay nilang hindi dapat maapektuhan ng isyung panghanggahan ang pangkalahatang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Tiyak na mapapatibay ng kasalukuyang pagdalaw ni Premyer Li ang estratehiko't kooperatibong partnership ng Tsina at India, at ipagkakaloob ang lakas-panulak para sa kaunlaran at kasaganaan ng Asya, maging ng buong mundo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>