Ipinalabas kamakailan sa Geneva ng mga Ministro ng Kalusugan ng Brazil, Rusya, Indya, Tsina at Timog Aprika (BRICS) ang "magkasanib na komunike ng BRICS sa kalusugan."
Ayon sa komunikeng ito, magsisikap ang BRICS para sa kooperasyon sa mga sumusunod na limang larangan: pagpapahigpit sa sistema ng pagmomonitor sa kalusugan; pagpapababa ng hamon ng chronic disease; estratehikong teknolohiya laban sa nakahahawang sakit; medikal na teknolohiya; pananaliksik at paggagalugad sa gamot.
Binigyan-diin din nito ang kahalagahan ng teknolohiya para sa mga umuunlad na bansa. Ayon dito, kailangang itatag ang network ng kooperasyong panteknolohiya ng BRICS, pleksibleng gamitin ang Agreement on Trade-Related Aspects of Intellectual
Property Rights (TRIPs) para mapasulong ang paggamit, kaligtasan, pagkakabisa at pagpapataas ng kalidad ng gamot.
salin:wle