Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ni Choe Ryong Hae sa Tsina, pinapansin ng opinyong pandaigdig

(GMT+08:00) 2013-05-23 15:40:29       CRI

Ayon sa ulat kahapon ng Korean Central News Agency (KCNA), lumisan nang araw ring iyon ng Pyongyang si Choe Ryong Hae, espesyal na sugo ni Kim Jong-un, Pangkalahatang Kalihim ng Korean Workers Party, para pasimulan ang kanyang pagdalaw sa Tsina.

Kaugnay ng naturang biyahe, malawakang tinataya ng opinyong publiko ng Timog Korea kung talagang mabibigyang-pagbabago ng naturang pagdalaw ang kasalukuyang maigting na situwasyon ng Korean Peninsula.

Ipinahayag naman kahapon ng isang artikulo ng pahayagang "Mainichi Shimbun" ng Hapon, na sapul nang manungkulan si Kim Jong-un bilang pinakamataas na lider ng Hilagang Korea noong Disyembre ng 2011, ito ang kauna-unahang pagpapadala ng panig Hilagang Koreano ng espesyal na sugo sa Tsina. Posible anitong ninanais ng Hilagang Korea na mapahupa ang pagiging masalimuot na relasyon nila ng Tsina, bunsod ng paglulunsad ng satellite at pagsasagawa ng nuclear test.

Salin: Li Feng

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>