|
||||||||
|
||
Isang sundalong Briton ang pinagsasaksak at napatay kahapon London, England ng dalawang pinaghihinalaang miyembro ng teroristikong grupo.
Dahil sa insidenteng ito, isang pangkagipitang pulong ang idinaos ng gabinete ng pamahalaan upang talakayin ang mga katugong hakbangin.
Nabaril at nasugatan naman ng mga rumesponding pulis ang dalawang suspek na pawang may hawak ng kutsilyo na ginamit pampatay sa biktima.
Nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis ang dalawang pinaghihinalaan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |