Nagpalabas kamakalawa ng pahayag ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na nagsasabing sa pagtatagpo kamakailan nina Kalihim Albert del Rosario at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, nagpahayag ang PM Hapones ng pagkatig sa arbitration proceedings ng Pilipinas laban sa Tsina sa International Tribunal for the Law of the Sea.
Pero, sa preksong idinaos kahapon, ayaw kumpirmahin ni Yoshihide Suga, Chief Cabinet Secretary ng Hapon, ang nilalaman ng pahayag ng panig Pilipino. Sinabi niyang tinalakay nga nina Abe at del Rosario ang hinggil sa kalagayan ng Asya-Pasipiko na kinabibilangan ng isyu ng South China Sea, pero ang nabanggit na nilalaman ay hinggil sa ikatlong bansa, kaya wala aniya siyang sagot hinggil dito. Inilahad naman ni Suga ang posisyon ng Hapon na pagdating sa isyu ng soberanya sa dagat, mahalaga ang mapayapang paglutas dito batay sa pandaigdig na batas.