|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Yoshihide Suga, Chief Cabinet Secretary ng Hapon, na pikit-mata sa kasaysayan ang talumpati ni Premyer Li Keqiang ng Tsina pagkatapos ng kanyang pagbisita sa pinagdausan ng Potsdam Conference. Aniya, kung ang naturang talumpati ay nababatay sa paninindigan ng panig Tsino sa Diaoyu Islands, hinding hindi ito tatanggapin ng panig Hapones.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagpahayag na si Ministrong Panlabas Wang Yi ng solemnang paninindigan tungkol sa pahayag ni Yoshihide Suga. Aniya, hinihiling ng panig Tsino sa panig Hapones na tumpak na pakitunguhan ang kasaysayan, ipaliwanag at iwasto ang kinauukulang pahayag.
Ani Hong, ang ilegal na pananakop at pagnanakaw ng Hapon, sa mga teritoryo ng Tsina na gaya ng Taiwan at mga isla sa paligid, noong unang panahon sa pamamagitan ng digmaang mapanalakay, ay di-mapapabulaanang katotohanan.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |